Inaresto ng mga kapulisan sa Ninoy Aquino International Airport si Japanese gaming tycoon Kazuo Okada.
Sinabi ni Police Colonel Cesar Gerente, ang hepe ng Philippine National Police Aviation Security Unit (PNP-AVSEU), inaresto nila si Okada pagdating nito sa bansa ng umaga ng Lunes.
Agad aniya itong nakapagpiyansa dahil sa kasong grave coersion na aabot sa P12,000.
Sinabi aniya ng kaniyang abogado na hindi ito umiiwas sa nasabing kaso.
Inilabas ng Metropolitan Trial Court ng Paranaque Branch 90 at 91 ang nasabing warrant of arrest laban sa casino mogul noong Oktubre 11.
Nagmula ang nasabing kaso base sa reklamo ng business partner nito na sina Antonio Cojuangco, Dindo Espeleta at Florentino Herrera III kung saan naglabas ng resolution ang Department of Justice sa nangyaring sapilitang takeover ng casino resort na Okada noong Mayo 31.