-- Advertisements --

Na-depensahan ni Japanese boxer Naoya Inoue ang kaniyang WBA at IBF bantamweight belts.

Ito ay matapos na mapatumba niya sa loob ng ika-walong round ang challenger na si Aran Dipaen ng Thailand sa laban na ginanap sa Tokyo, Japan.

Sa simula pa lamang ng laban ay pinaulanan na ni Inoue ng suntok ang nakalabang Thai boxer.

Mas pinatindi pa ng 28-anyos na Japanese boxer ang kaniyang mga suntok dahil sa tila hindi ito ininda ni Dipaen.

Mayroon ng 22 panalo at wala pang talo na mayroong 19 knockouts si Inoue habang mayroong 12 panalo at dalawang talo si Dipaen.

Nagpahayag din ito na makaharap muli si Filipino boxer Nonito Donaire Jr subalit nagbabala ito na dapat ayusin na agad nila ang kontrata para hindi na siya makahanap pa ng ibang mga makakalaban.

Magugunitang noong 2019 ng talunin ni Inoue si Donaire sa pamamagitan ng unanimous decision sa World Boxing Super Series.