-- Advertisements --

Nabikitima ng pagnanakaw ang Japanese boxer na si Naoya Inoue.

Sinabi nito na naganap ang insidente sa kasagsagan ng laban niya kay Nonito Donaire kung saan tinalo nito ang Pinoy boxer.

Nakuha sa 29-anyos na bantamweight champion sa bahay nito sa Tokyo ang mga mamamahaling bag at ilang pirasong alahas.

Nanawagan na lamang ito sa mga mamamayan na laging mag-ingat at ito ay nadismaya dahil hindi pa nakikilala ng mga otoridad ang mga suspek.

Base sa ilang nakakita ng insidente na mayroong dalawang lalaki ang pumasok sa bahay ng boksingero at tumakas lulan ng isang kotse.