-- Advertisements --
Naghahanap ngayon si Japanese billonaire Yusaku Maezawa ng babaeng makakasama para sa paglakbay sa buwan.
Sinabi ng 44-anyos na fashion mogul, sasakay sila sa unang biyahe ng Space X papuntang buwan.
Gagawin ang paglalakbay sa 2023 an siyang unang lunar journey ng isang tao mula pa noong 1972.
Dagdag pa nito na nais niyang maibahagi ang karanasan sa isang especial na babae na sasama sa kaniya.
Inanyayahan nito ang mga interesado na mag-apply sa pamamagitan ng “planned match-making event” sa kaniyang website.