Mananatili pa rin ang monitoring ng Japanese Coast Guard kahit naging limitado na ang paghahanap sa mga sakay ng lumubog na livestock ship sa East China Sea.
Matatandaang halos 40 ang Filipinong sakay ng naturang barko at karamihan sa kanila ay hindi pa natatagpuan.
Ayon kay Bombo international correspondent Josel Palma, naglaan ang Japanese Coast Guard ng tatlong vessel, apat na eroplano at trained scuba divers para sa search and rescue operation.
Sa ngayon, abala na rin umano ang mga otoridad sa pagpapalikas sa kanilang mga kababayan na nasa “typhoon path” ng bagyong Kristine sa Pilipinas o may international name na Haishen.
Nabatid na isa na ito sa pinakamalakas na bagyo sa record ng Japan, kung saan pumapalo ang hangin nito hanggang 240 kph at itinuturing ng mga eksperto bilang supertyphoon.