-- Advertisements --

Hindi na raw kakailanganin pa ng Japanese government na magpatupad ng state of emergency sa bansa kahit pa muling tumaas ang coronavirus cases dito sa loob ng dalawang buwan.

Sa ngayon ay mayroon ng 18,874 kumpirmadong kaso ng deadly virus habang 975 naman ang namatay. Ito’y makaraang tanggalin ang ipinatupad na state of emergency sa Japan noong May 25.

Ayon kay Chief Cabinet Secretary Yoshihide Suga, karamihan ng mga bagong kaso ay may edad na 20-30 taong gulang.

Ang naturang state of emergency ay nagbigay ng kapangyarihan sa mga state governors ng 47 prefectures sa Japan upang hikayatin ang mga mamamayan na manatili sa kanilang mga bahay at isara ang ang mga negosyo.