Planong palakasin ng Japan, Estados Unidos, at ng European Union ang kanilang mga hakbang laban sa ilegal na kalakalan ng mga pekeng produkto sa pakikipagtulungan sa mga operator ng online marketplace.
Sa pangunguna ng Organization for Economic Cooperation and Development, makikipagtulongan ang mga ito sa mga operator ng online marketplace tulad ng Amazon.com Inc. at Rakuten Group Inc. sa layuning bumuo ng mga guidlines sa taong 2025 o higit pa upang pigilan ang mga pekeng produkto na maibenta online.
Naging malawak na ang epekto ng mga pekeng produkto sa ekonomiya, kung saan maraming mga ganitong produkto ang ginagawa at ipinapalabas sa China at iba pang umuusbong na mga bansa.
Nagtatag ang OECD ng isang task force sa pagtutol sa ilegal na counterfeit trade noong huling bahagi ng 2022 at nagsimula ng government level discussions sa naturang isyu noong nakaraang buwan.
Sa pamamagitan ng pagtatatag ng guidlines, umaasa ang OECD na mahikayat ang mga operator na paigtingin ang kanilang mga pagsisikap para pigilin ang pagkalakal ng mga pekeng produkto tulad ng sapatos, damit, bag, at cosmetics. Umaasa rin ito na magbubuo ang mga pamahalaan ng batas para tuluyang mawala ang mga pekeng produkto.