-- Advertisements --
Posibleng luwagan na ng Japan ang kanilang border control para sa mga foreign travellers.
Ayon kay Deputy Chief Cabinet Secretary Seiji Kihara na ang hakbang ay para mapalakas ang kanilang ekonomiya.
Sa loob kasi ng 24 taon noong nakaraang linggo ay humina ang yen kontra US dollar.
Nauna ng pinagbawalan ng Japan na makapasok ang mga dayuhan sa kanilang bansa noong nagdaang dalawang taon dahil sa COVID-19 pandemic.
Noong nakaraang taon din ay pinagbawalan din ang mga audience na manood ng 2020 Tokyo Olympics.
Isa sa mga hakbang na ginagawa ngayon ng Japanese government ang pagdagdag ng bilang ng mga turistang papapasukin na mula sa dating 20,000 ay ginawa na nila itong 50,000.