-- Advertisements --

Naglabas ng tsunami alert ang Japan Meteorological Agency matapos ang naganap na pagyanig ng magnitude 7.1 na lindol sa isla ng Kyushu.

Tumama ang nasabing lindol dakong 3:27 ng hapon oras sa Pilipinas.

Ibinabala ng Japan Meteorological Agency ang tsunami na may taas ng aabot ng mahigit isang metro.

Magugunitang noong Hunyo 25 ay niyanig na ang Japan ng magnitude 7.2na lindol subalit walang anumang naitalang kamatayan o damyos.