-- Advertisements --
image 394

Muling magpapaabot ng tulong pinansyal ang Japan para sa bansang Ukraine ilang araw bago ang ika-isang taong pananakop ng Russia sa nasabing bansa.

Sa isang pahayag ay sinabi ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida ang pangakong pagpapadala ng USD5.5 billion na halaga ng financial support para sa Ukraine.

Aniya, hanggang sa kasalukuyan ay kinakailangan pa rin ng tulong ng mga mamamayan sa nasabing bansa na nasira ang mga pangkabuhayan nang dahil sa digmaan.

Ang tulong pinansyal din aniya na kanilang ipapaabot sa Ukraine ay maaari ring gamitin para sa pagkukumpuni ng mga nasirang imprastraktura doon.

Samantala, bukod dito ay inihayag din ng Japanese prime minister na bilang presidente ng Group of 7 ay pangungunahan niya ang isang video conference ng mga Group of 7 leaders kasama si Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa darating Biyernes, February 24

Layon nito na magpahayag ng suporta sa Ukraine sa laban nito kontra sa Russian aggression at pamunuan ang pagsisikap ng mundo na itaguyod ang isang malaya at bukas na international order na alinsunod sa rule of law.

Kung maaalala, una rito ay nagpaabot na rin noon ang Japan ng halagang USD600 million na halaga ng tulong pinansyal kasama ang daan-daang milyong dolyar na halaga ng emergency humanitarian assistance para sa Ukraine