Mayroon maraming trabaho ang iniaalok ng bansang Japan sa mga Filipinos lalo na mga nurses at skilled workers.
Sa ginawang courtesy call kay Vice President Sara Duterte ni apanese Minister for Health, Labour, and Welfare Katsunobu Kato na mayroong 54.7 percent ng mga Filipino caregivers na kumuha ng pagsusulit sa Japan noong Marso ang nakapasa.
Ito na aniya ang may pinakamataas na Filipino examiness na naitala sa loob ng 10 taon.
Ang mga hindi nakapasa aniya ay maari pang kumuha muli ng pagsusulit.
Dagdag pa nito na malaki ang pangangailngan ng Japan ngayon ng mga Filipino nurses sa ilalim ng Philippines-Japan Economic Partnership Agreement (PJEPA).
Bukod pa sa mga nurses ay may malaking pangangailangan ng Japan ng mga skilled workers para sa mga constructions at industrial waste treatment.