-- Advertisements --

Hindi pa bukas sa mga turista ang Japan kahit na niluwagan nila ang ilang restriction.

Ayon sa Philippine Embassy sa Tokyo, na wala pang abiso na papayagan ng makapasok ang mga turista mula sa ibang bansa.

Sinabi pa ni Deputy Chief of Mission Robespierre Bolivar na ang bagong polisiya ay para lamang sa mga dayuhan na mayroong long-term resident status at mayroong permit na manatili sa bansa.

Baka aniya sa mga susunod na linggo ay mag-aanunsiyo ng panibagong patakaran ang Japan sa pagpapasok ng mga turista.

Umaabot na rin aniya sa 308 na mga Filipino ang nadapuan ng COVID-19 sa Japan at nakalabas na rin ang mga ito sa pagamutan.