Nagpasalamat sa gobyerno ng Pilipinas ang nangungunang diplomat ng Japan para sa pag-unawa sa hakbang nito na ilabas ang treated nuclear water sa Pacific Ocean.
Sinabi ni Ambassador Kazuhiko Koshikawa sa isang pahayag, ang Pilipinas ay nagpapakita ng pag-intindi sa usaping pagpapakawala ng wastewater na kung saan aniya ay isang mahalagang hakbang para sa Japan tungo sa pagbangon mula sa sakuna.
Kung matatandaan, sinabi ng Department of Foreign Affairs na kinikilala nito ang technical expertise ng International Atomic Energy Agency (IAEA) sa nasabing usapin.
Ang mga antas ng radioactivity mula sa Fukushima nuclear plant, na isinara matapos sirain ng 2011 tsunami, ay isinaalang -alang naman ang kaligtasan ng publiko at ng marine dioversity sa pagpapakawala ng wastewater.
Ayon sa DFA, bisang coastal at archipelagic state, ang Pilipinas ay nagbibigay ng sukdulang priyoridad sa pangangalaga at preserbasyon ng marine environment.
Giit pa ng departamento na patuloy na tinitingnan ng Pilipinas ang isyung ito mula sa pananaw na science and fact based at sa katubigan sa rehiyon.