-- Advertisements --

Niluwagan ng Japan ang gupit para sa mga bagong pasok sa military.

Ayon sa Japan Defense ministry na maaring magkaroon ng mahabang buhok ang mga bagong recruit na sundalo.

Layon nito ay para makahikayat ng mas maraming mga kabataan ang magkakainterest para pumasok sa militar.

Paraan din ito ng kanilang gobyerno dahil sa bumaba na ang bilang ng mga sundalong pumapasok sa sundalo.

Magsisimula ang nasabing panuntunan sa buwan ng Abril kung saan maaring mahaba ang buhok ng mga lalaki at sa babae ay papayagan na may maikling buhok.