-- Advertisements --
Hinimok ng punong ministro ng Japan ang China na tiyakin na ang mga tauhan nito ay kumilos sa mahinahon at responsableng paraan.
Ito ay matapos ng pambabato ng mga Chinese sa diplomatic missions at paaralan ng Japan, kasunod ng pagpapalabas ng wastewater mula sa Fukushima nuclear plant.
Matatandaan na noong nakaraang linggo, ipinagbawal ng China ang lahat ng pag-import ng seafood mula sa Japan habang sinimulang ilabas ng Japan ang cooling water mula sa planta ng Fukushima sa isang operasyon na sinabi naman ng Tokyo at ng nuclear watchdog ng United Nation na ligtas.
Simula noon, hinimok na ng Japan ang mga mamamayan nito sa China na panatilihing mababa ang profile at pataasin ang seguridad sa paligid ng mga paaralan at diplomatic missions.