-- Advertisements --
Ikinokonsidera raw ngayon ng bansang Japan ang pag-deploy ng 1,000 long-range cruise missiles para palakasin ang kanilang counterattack capability laban sa China.
Ang naturang missiles ay kabibilangan ng umiiral na arms modified at ma-extend ang kanilang range mula 100 km (62 miles) sa 1,000 km.
Base sa report, ang mga armas na ilulunsad ng mga barko o aircraft ay ide-deploy sa southern Nansei islands at kaya umano nitong umabot sa coastal areas ng North Korea at China.
Hindi pa naman nagbibigay ng pahayag dito ang mga representatives mula sa foreign ministry ng Japan.