-- Advertisements --

Ikinabahala ng Japan ang muling pagpapalipad ng North Korea ng kanilang ballistic missiles.

Sa pinakahuling insidente ay nagpakawala ang North Korea ng tatlong ballistic missile patungo sa karagatang sakop ng Japan.

Isinagawa aniya ang nasabing missile test ilang araw bago ang pagbisita ni US President Joe Biden sa South Korea at Japan.

Sinabi ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida na kaniyang inatasan ang mga militar na pag-aralan ang ginagwang missile test ng North Korea para matiyak ang kaligtasan ng mga eroplanong pandigma at barkong pandigma nila.

Ito na ang pang-16 na beses na nagsagawa ang North Korea ng missilte test ngayong taon.