Nag-anunsiyo na rin ngayon ang pamahalaan ng Japan na ipapasara nila ang kanilang mga borders sa lahat ng mga dayuhan simula mamayang hatinggabi.
Ang hakbang ng Japan ay kasunod nang ginawa rin ng Israel na bawal munang pumasok ang lahat ng mga foreigners dahil na rin sa pangamba sa Omicron COVID variant.
Nagpaliwanag naman si Japanese Prime Minister Fumio Kishida na ang kanilang gagawin ay precaution lamang sa worst-case scenario.
Doon naman sa mga Japanese national papayagan pa rin silang makapasok pero sasailalim muna sa mga itinalagang quarantine facilities.
Nilinaw naman ng Health minister ng Japan na sa ngayon wala pa naman silang naitatalang Omicron infections sa kanilang bansa pero inamin nito na inaantay nila ang resulta nang pagsususuri kung nagtataglay ng Omicron virus ang isang biyahero mula sa bansang Namibia na nagpositibo sa COVID.