-- Advertisements --

Nagbabala ang Defense Ministry ng Japan na kanliang sisirain ang anumang missile mula sa North Korea na papasok sa kanilang teritoryo.

Kasunod ito sa anunsyo ng North Korea na maglulunsad umano sila ng “satelllite” sa mula May 31 hanggang June 11.

Ayon pa sa Defense Ministry ng Japan na hindi sila magdadalawang isip na wasakin ang anumang ballistic at ilang mga missiles na kumpirmadong dadaan sa kanilang teritoryo.

Sinabi rin ni Japan’s Chief Cabinet Secretary Hirokazu Matsuno na ang anumang missile launch ng North Kore na nagkukunwaring “satellite” ay isang banta na sa seguridad ng kanilang bansa.

Magugunitang sinabi ng space development agency ng North Korea noong nakaraang taon na matatapos na nila ang reconnaissance satellite hanggang Abril 2023.

Base sa natanggap na email ng Japanese Coast Guard na ilulunsad ng Pyongyang ang satellite patungo sa Yellow Sea, East China Sea, at silangang Luzon ng Pilipinas ang mga lugar na nabanggit ay sa labas na ng Exclusive Economic Zone ng Japan.