Pinahiya ng ranked number 24 na Japan ang ranked number 7 na Spain sa score na 2-1 sa kanilang Group E match sa nagpapatuloy na FIFA World Cup sa Qatar.
Sa laro na ginanap sa Khalifa International Stadium, ay binigla ng Japan ang mga football fans dahil itinuturing sila bilang underdog sa larangan ng football.
Unang nakapagtala ng goal si César Azpilicueta Tanco ng Spain sa unang 11 minuto ng laro.
Hanggang matapos ang unang bahagi ng laro ay dominado ng Spain ang nasabing laro.
Pagpasok ng second half ay doon na umarangkada ang Japan kung saan naipasok ni Ritsu Dōan ang unang goal at matapos ang ilang minuto ay gumana ang goal ni Hideo Tanaka.
Hindi na binitawan ng Japan ang kalamangan hanggang maubos na ang oras.
Dahil sa panalo ay nasa unang puwesto ng Group E ang Japan na mayroong 6 points.