-- Advertisements --
ph china

Isinasaalang-alang ng Japan at Pilipinas ang mga negosasyon sa isang bagong bilateral treaty.

Ito ay upang palakasin ang kooperasyong panseguridad at mapadali ang joint exercises sa gitna ng lumalaking aktibidad ng militar ng China sa rehiyon ng Indo-Pacific.

Sa kanilang naka-schedule na summit sa unang bahagi ng Nobyembre sa Pilipinas, ang Japan at ating bansa ay inaasahang magkakaroon ng go signal sa mga negosasyon para sa isang “reciprocal access agreement,”.

Ito ang magiging unang reciprocal access agreement ng Japan na may miyembro ng Association of Southeast Asian Nations.

Ang mga negotiators mula sa magkabilang panig ay nakatakdang suriin ang mga kasunduan sa pagtatapos ng taong kasalukuyan, na naglalayong lagdaan sa susunod na taon.

Dagdag dito, ang dalawang bansa ay inaasahang mangangako na palakasin ang joint military exercises sa isang hakbang na higit na magtataguyod ng trilateral security cooperation na kinasasangkutan din ng United States.

Ang mga reciprocal access agreement ay inilaan upang mapadali ang paglilipat ng mga tauhan ng depensa sa pagitan ng mga bansa para sa pagsasanay at mga operasyon sa pagtulong sa sakuna habang pinapawi ang mga paghihigpit sa transportasyon ng mga armas at mga military supply.