-- Advertisements --

Mayroon ng apat na ATP title si Jannik Sinner ng Italy matapos na ito ay magkampeon sa Erste Bank Open tennis tournament sa Vienna.

Tinalo nito si Daniil Medvedev ng Russia sa score na 7-6 (9/7), 4-6, 6-3.

Ito na ang pangalawang beses na tinalo ni Sinner si Medvedev na ang una ay sa Beijing final sa unang linggo ng Oktubre.

Target sana ni Medvedev na mapanatili ang kaniyang titulo na nakuha noong nakaraang taon sa Austria subalit hindi nito napigilan si Sinner hanggang sa final set.