-- Advertisements --
Nagkampeon sa Australian Open si Jannik Sinner matapos talunin si Daniil Medvedev.
Sa unang dalawang set ay nagwagi ang Russian tennis star at pagpasok ng ikatlong set hanggang sa ikalimang set ay tuluyan ng umarangkada ang 22-anyos na Italian tennis player.
Tila naulit ang pagkatalo ni Medvedev dahil sa noong 2022 Australian Open Finals ay hawak din nito ang panalo sa unang dalawang set subalit tinalo pa rin siya ni Rafael Nadal.
Labis naman na kinatuwa ni Sinner ang panalo dahil sa hindi niya akalain na talunin ang Russian tennis star.
Bago makapasok sa finals ay tinalo ni Sinner ang tennis star na si Novak Djokovic.