-- Advertisements --
Nagpahiwatig ng muling paglalaro sa PBA si James Yap matapos na magwagi bilang kosehal ng lungsod ng San Juan.
Sinabi ni PBA Commissioner Willie Marcial, na personal niyang nakausap si Yap at sinabing nagpapakondisyon na ito ngayon.
Nagtanong din aniya si Yap kung kailan ang pagsisimula ng laro.
Huling naglaro ang 40-anyos na si Yap sa Rain or Shine Elasto Painters noong 2021 PBA Philippine Cup na ginanap sa Bacolor, Pampanga bago ito na naghain ng leave para tumakbo noong halalan.