DA james reid covid

Labis na nagpapasalamat ang aktor na si James Reid matapos italaga ng Department of Agriculture (DA) bilang Ambassador on Food Security.

Kasabay ng launching sa Farmers and Fisherfolk’s Month ang pag-appoint ng DA sa 27-year-old Fil-Australian actor pero wala pa namang nabanggit para sa mga magiging agriculture projects nito.

Sa kanyang online post kalakip ang larawan kung saan may hawak itong halaman, inihayag ni Reid na excited na siyang maipakita sa publiko ang pinagkaabalahan nito sa panahon ng quarantine.

James Reid 2

Si Reid ay dating boyfriend ng celebrity ding si Nadine Lustre.