Bumandera ang pangalan nina Los Angeles Lakers star LeBron James at at Milwaukee Bucks star Giannis Antetokounmpo para sa 2024 NBA All-Star Game.
Si James ay 19-time NBA All-Star ng West habang ang Antetokounmpo ay seven times All-Star ng East kung saan kapwa sila nangunguna sa botohan na pamunuan ang bawat koponan.
Sa pagiging guard naman ay nanguna si Dallas Mavericks star Luka Doncic sa West at Tyrese Haliburton ng Indiana Pacers para sa East.
Malaki ang tsansa ni Haliburton na makapaglaro sa sarili nitong court dahil sa Indiana gaganapin ang NBA All-Star Game.
Ang boto kasi ng mga fans ay magbibigay ng 50 percent ng datos na siyang magdedesisyon sa Western at Eastern Conference starters.
Sa Western Conference bukod kay James ay nangunguna sa frontcourt sina Kevin Durant ng Phoenix Suns at Nikola Jokic ng Denver Nuggets habang sa guard ay sinundan ni Golden State Warriors star Stephen Curry si Doncic.
Sa Eastern Conference naman bukod kay Antetokounmpo ay sumunod si Philadelphia 76ers Joel Embid at Jayson Tatum ng Boston Celtics para sa front Court at sinundan naman ni Bucks player Damian Liliar si Haliburton sa pagiging guard.
Magsisimula ang 2024 NBA All-Star Game sa Pebrero 18 sa Indianapolis.