-- Advertisements --

Nagtala ng record si Jamaican sprinter Shelly-Ann Fraser-Pryce matapos na magtala ng ikalimang 100 meter title sa World Championships.

Natawid nito ang linya sa loob ng 10.67 seconds.
Unang naipanalo ni Fraser-Pryce ang 100 m noong 13 taon ang nakakalipas.

Itinuturing niya na ang pinakahuling panalo ay siyang paborito niya.

Dagdag pa ng 35-anyos na sprinter na hanggang siya ay malusog ay lalahok ito sa kumpetisyon.

Noong 2017 ay hindi ito sumali anumang kumpetisyon ng isilang ang anak na lalaki.
Umabot ng dalawang taon bago ito tuluyang gumaling.