-- Advertisements --

Pinatumba sa loob lamang ng isang round ni YouTube star Jake Paul si retired American mixed martial artist Ben Askren.

Jake Paul

Sa mga unang segundo ng first round ay pinaulanan kaagad ni Askren ng mga suntok si Paul.

Subalit nabaligtad din ang sitwasyon ng makapasok ang matinding kanang kamay na suntok ng 24-anyos na si Paul na sanhi ng kaniyang pagkatumba.

Tumayo ang 36-anyos na si Askren subalit ito ay pinigil na ng referee.

Dahil sa pangyayari ay mayroon ng tatlong panalo at wala pang talo si Paul na ang huli noong pinatumba niya si dating NBA star Nate Robinson.