-- Advertisements --

Makakaharap ni Youtube Star Jake Paul si dating UFC superstar Nate Diaz.

Ayon sa Most Valuable Promotion ni Paul, gaganapin ang paghaharap ng dalawa sa Agosto 5 sa Dallas, Texas.

Sa social media ni Paul ay nagpost ito ng video at larawan nila ni Diaz.

Magugunitang makailang beses ng hinamon ni Jake si Diaz noon pang nakaraang taon.

Ito ang unang laban ni Jake mula ng talunin siya ni Tommy Fury noong Pebrero habang ito ang unang pro boxing event ni Diaz.