James and Nadine
James and Nadine/ IG post

Kinumpirma ng showibz couple na sina James Reid at Nadine Lustre na hiwalay na sila.

Sa inilabas na pahayag ng dalawa, hindi na nila itinanggi ang mga naglabasang balita sa mga social media at mga pahayagan na sila ay hiwalay na.

Pagtutuunan na lang daw muna nila ng pansin ang kanilang showbiz career habang sila ay bata pa.

Tiniyak naman nila na nananatiling magkaibigan sila at nanawaga sila sa fans nila ipagpatuloy ang pagsuporta sa kanila.

Nakatakda sanang magdiwang ng ika-apat na taong anibersaryo ang dalawa sa darating na Pebrero 11.

Unang nagsama sa pelikulang “Diary ng mga Pangit” ang dalawa noong 2014 hanggag noong Pebrero 2016 ay inamin ng dalawa ang kanilang relasyon.