-- Advertisements --
Nailipat na si Muntinlupa City Jail ang kontrobersiyal na detainee na si Jose Adrian “Jad” Dera mula sa National Bureau of Investigation (NBI) detention facility.
isinagawa ang paglipat nitong Huwebes ng gabi matapos mailabas ang Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) ang memorandum mula kay Judge Abraham Joseph Alcantara of Muntinlupa RTC Branch 204.
Ang nasabing paglipat ay base na rin sa hiling ng Department of Justice (DOJ) dahil na rin sa paglabas ni Dera sa NBI facilities.
Magugunitang ilang NBI agents ang nahaharap sa kaso dahil sa pagpuslit kay Dera para ito ay makagala ng libre sa labas.
Si Dera ay isa sa dawit sa kasong iligal na droga na kinakaharap ni dating Senator Leila de Lima.