-- Advertisements --
MEMPHIS, Tennessee – Kumamada ng 27 points at 14 assists ang rookie na si Ja Morant, at nawakasan ng Memphis Grizzlies ang kanilang five-game losing streak matapos na maiposte ang 105-88 victory kontra Los Angeles Lakers.
Nagdagdag ng 24 points si Dillon Brooks at tumipa naman ng 22 points at 20 rebounds si Jonas Valanciunas para sa Grizzlies.
Samantala, nagtapos na may 19 points si LeBron James habang may 15 points at siyam na rebounds naman si Anthony Davis para sa Los Angeles.
Ito na ang ikalawang talo ng Los Angeles noong Pebrero.










