Ibinunyag ng aktres na si Iza Calzado na isa lamang siya sa mga kababaihan na sumasailalim sa tinatawag na egg freezing.

Sa isang panayam, inamin ng 36-year-old actress na hindi pa kasi siya handang magkaroon ng anak at bukas din siya sa ideya ng surrogacy o ‘yaong ibang babae ang magbubuntis sa magiging first baby nila ng British entrepreneur husband na si Ben Wintle.

“We have frozen (eggs)… I’m going to keep banking… I have one here but I might try to do it in the States or somewhere where I can prepare for a possible surrogacy in the future,” saad nito sa Headstart.

Gayunman, nais pa rin naman daw ni Calzado na maranasang magbuntis upang madiskobre nito ang kanyang “better version” kapag handa na siya.

Disyembre noong nakaraang taon nang ikasal sina Iza at Ben sa pamamagitan ng island ceremony sa Palawan, matapos ang mahigit anim na taong pagiging magkasintahan.