Pampi with Iwa

Inuulan ng pagbati si Aileen Quimado Iwamoto o mas kilala sa kanyang stage name na Iwa Moto, matapos ang gender reveal kung saan lalaki naman ang kanyang magiging second baby.

Nabatid na seven years old na ang panganay ng Fil-Japanese sexy actress kay “Pampi” Lacson Jr., na si Hiromi Eve.

Si Pampi ay mayroon na ring anak na lalaki sa aktres at dating misis na si Jodi Sta. Maria.

Sa ngayon ay sinasabing bagong kasintahan ni Jodi ay si Raymart Santiago.

Una nang naging usap-usapan ang pagiging “close” nina Iwa at Jodi kung saan may mga pagkakataon noon na nagkaka-bonding pa ang dalawa.

Samantala, baby boy din ang ipinagbubuntis ni Andi Eigenmann.

Sa gender-reveal video ng 30-year-old actress ngayong araw, mapapanood na nag-bake siya ng cupcakes na pinakakain nito sa kanyang mag-aama.

Ito ay ang surfer na si Philmar Alipayo, gayundin ang kanilang panganay na babae na si Lilo.

Present din sa event ang unang anak ni Andi kay Jake Ejercito na si Ellie na una nang nagsabing nais nito ng kapatid na lalaki.

Dream come true naman ito matapos na kumatas ang kulay asul na filling sa cupcakes.