-- Advertisements --

Maaagang bomoto si US President Donald Trump sa Florida nitong nakalipas na Sabado habang ang anak nitong si Ivanka at asawang si Jared Kusher ay bomoto lamang nitong Lunes.

Nag-post pa ang mga ito ng larawan kasama ang ama at may dalang mga balota.

Umaabot na sa mahigit 40 million mail ballots at 20 million in-person votes ang natapos, walong araw bago ang halalan.

Samantala, binanatan naman ni Democratic presidential candidate Joe Biden si US President Donald Trump sa kaniyang kampanya sa Philadelphia, Pennsylvania.

Sa kaniyang talumpati sa lungsod ng Chester, hindi maiwasan ni Biden na batikusin ang Republican president sa pagtugon nito sa COVID-19.