-- Advertisements --
Namahagi ng mga regalo ang sexy vlogger na si Ivana Alawi bilang pasasalamat matapos na umabot na sa 13 milyon ang kaniyang subscribers sa YouTube channel nito.
Bilang bahagi ng pasasalamat ay mamamahagi ito ng 1,300 na mga bags na may laman ng mga pagkain.
Nagluto pa ng adobo ang sexy actress na ilalagay sa bawat bag na ipapamigay nito.
Ibabahagi niya ang mga ito sa mapapalad na indibidwal sa Metro Manila at kalapit na lugar.
Karamihan sa mga ito ay ‘yong mga naninirahan sa kalsada, tagakolekta ng basura, tricycle drivers at mga may edad na.