Nakatakdang magsagawa ng konsiyerto ang bandang IV of Spades sa buwan ng Disyembre.
Ayon sa grupo na isasagawa ito sa Disyembre 12 sa Mall of Asia Arena.
Magsisimula ang bentahan ng tickets sa darating ng Oktubre 12.
Matapos kasi ang limang taon na pamamahinga ay muling nagbalik ang grupo ngayong taon.
Inilabas nila ang kanilang kanta na “Aura” nitong Hulyo habang magkasunod na nilabas ang kantang “Konsensya” at Nanaman” nitong Setyembre.
Ilalabas din ng banda ang kanilang bagong album na “Andalucia” sa Nobyembre anim na taon mula ng inilabas ang unang album na “Clapclapclap!” noong 2019.
Magugunitang noong 2018 ng umalis sa banda ang bokalistang si Unique Salonga at nag-solo ito.
Taong 2020 ng ianunsiyo ng natitirang miyembro na sina Blaster Silonga, Zild Benitez at Badjao De Castro na sila ay pagmamahinga dahil sa ilang personal na interest.