-- Advertisements --

Nagbitiw sa kaniyang puwesto si Italian Prime Minister Mario Draghi .

Kasunod ito sa hindi pagsuporta ng tatlong partido sa ginanap na confidence vote.

Ang 74-anyos na si Draghi ay itinuturing naging bayani dhil sa paghawak niyng krisis sa eurozone bilang pinuno ng European Central Bank.

Noong nakaraang taon ay itinalaga siya bilang pamunuan ang paglaban ng gobyerno ng Italy laban sa COVID-19.

Hinilng naman ni Italian President Sergio Mattarella na manatili si Draghi bilang caretaker habang hindi pa ginaganap ang halalan sa buwan ng Setyembre.

Inaasahan naman na si Far-right leader Giorgia Meloni ang napipiling manalo na papalit bilang bagong Prime Minister.