-- Advertisements --
IMG 20191112 130940 1

Nakatakda nang ipa-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang umano’y Italian pedophile na naaresto sa Davao dahil sa pambibiktima ng Filipino minors sa Mindanao.

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na base sa report sa kanya ni BI Acting Intelligence Chief Fortunato Manahan Jr. ang suspek ay kinilalang si Lorenzo Marchesi, 57-anyos na naaresto sa Davao Interntional Airport (DIA).

Ayon kay Manahan paalis na raw sa bansa ang banyaga nang ito ay maharang sa airport ng mga officers at intelligence agents sa pamamagitan ng mission order na inisyu ni Morente para ito ay mahuli.

Sinabi ni BI intelligence officer at Mindanao Intelligence Task Group (MITG) head Melody Gonzales, nag-isyu raw si Morente ng mission order laban kay Marchesi dahil sa mga immoral activities ng foreign national na naging dahilan sa pagiging undesirable alien nito.

Lumalabas na respondent din ang banyaga sa ilang criminal complaints na inihain sa Davao City prosecutor’s office at Philippine National Police’s women and children’s protection desk.

Humaharap ang suspek sa mga reklamong paglabag sa expanded anti-trafficking act, cyber crime law, at anti-child abuse act. 

Napaulat na gumagamit ito ng mga menor de edad para sa sexual acts kapalit ng cash.

Sa ngayon nasa holding facility ng BI district office sa Davao City ang suspek habang sumasailalim sa deportation proceedings at pending resolution ng mga criminal complaints na inihain sa kanya ng mga biktima.