Nakatakda nang ilipat sa Bureau of Immigration (BI) Warden Facility sa Bicutan, Taguig ang isang Italian national na naaresto ng mga otoridad sa Immigration Field Office sa Pampanga.
Ayon kay BI Alien Control Officer Mark Leslie Gonzales, ang suspek na si Ivaldi Antonello, 51-anyos ay naharang ng mga otoridad matapos nitong tangkaing ipa-extend ang kanyang tourist visa sa Immigration Field Office sa Angeles.
Isinumite raw ni Antonello ang kanyang pasaporte sa kagustuhang ma-extend ang tourist visa nito dito sa bansa pero dito naman nadiskubre ng BI personnel na nasa active watchlist ang banyaga dahil sa pagiging pugante nito sa kanlang bansa.
Nakapasok daw dito sa Pilipinas ang Italyano noong pang 2019 gamit ang tourist visa.
“He has been in the country since 2019, under a tourist visa. Once we saw his record, we immediately coordinated with the BI’s Fugitive Search Unit (FSU) to effect his arrest,” ani Gonzales.
Sa report naman ni BI Fugitive Searc Unit (FSU) Chief Bobby Raquepo kay BI Commissioner Jaime Morente,naaresto raw ang suspek sa pakikipagtulugan nila sa Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group-Angeles City Field Unit.
“We received official communication from Italian authorities requesting assistance in locating him,” da nigdag Morente.
Lumalabas naman sa record na mayroon nang inilabas na warrant of arrest ang Prosecutor’s Office sa Appeal Court of Trieste, Italy noong June 2019 dahil umano sa Aggravated Rape at Sexual Assault sa mga menor de edad.
Subject din umano si Antonello sa Interpol notice dahil sa ginawang krimen.