-- Advertisements --

Magtatagal hanggang April 3 ang ipinatutupad na lockdown sa buong Italy bilang paraan ng bansa na puksain ang pagkalat ng 2019 coronavirus infectious disease (COVID-2019).

Sinabi ni Italian Prime Minister Giuseppe Conte na ang bawat indibidwal ay maaari lamang lumabas ng bahay kung sila ay papasok sa trabaho o kaya naman ay may iniindang sakit.

Ipinagbabawal din ang social gatherings sa bansa. Pansamantala rin nitong ipinag-utos ang pagsasara ng mga eskwelahan habang ang mga restaurants naman ay kinakailangang magsara pagsapit ng 6pm.

Pumalo na sa463 katao ang namatay sa naturang bansa dahil sa coronavirus outbreak at halos 9,200 katao na ang apektado.

Kamakailan lamang nang magkagulo ang mga preso sa loob ng kulungan matapos ipagbawala ang pagbisita ng kanilang mga kamag-anak.

Ayon sa Justice Ministry, 7 preso na ang namamatay dahil sa nasabing sakit.