DAVAO CITY – Iniimbestigahan na ngayon ng Panabo City PNP ang mga persons of interest patungkol sa kasong pagpatay kahapon na ang biktima ay nakilalang si Pastor Babito Manliguez kung saan tinambangan ito ng mga suspek sa Panabo City habang sakay sa kotse.

Ayon kay Lt. Ernesto Gregore, hepe ng Panabo PNP, maliban sa kanyang pagka-pastor isa rin umanong district supervisor sa DepEd at nakatakda na sanang mag-early retirement dahil sa kanyang sakit sa puso.

Kabilang din sa iimbestigahan ng mga otoridad ang pagkakasangkot umano ni Manliguez sa investment scam matapos na may lumabas na impormasyon patungkol dito ngunit kailangan pa itong makumpirma ng mga imbestigador.

Inaalam na rin ngayon ng kapulisan ang iba pang motibo ng krimen.

Tiniyak naman ni Lt. Gregore na hindi sila titigil sa kanilang imbestigasyon hanggang malaman ang nasa likod ng krimen at mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng biktima.