-- Advertisements --

Patuloy ang paghimok ng Philippine National Police (PNP) sa publiko na isumbong pa rin ang mga namataang gumamit ng baril at mga ipinagbabawal na paputok sa pagsalubong sa bagong taon, kahit tapos na ang mismong okasyon.

Ayon kay PNP spokesman BGen. Bernard Banac, mahalagang mapanagot ang mga lumabag sa batas, kahit kasamahan pa nila ang mga ito sa serbisyo.

Ang kailangan umano ngayon ay desiplina para sa pangmatagalang kaayusan, lalo na kapag may mga ganitong okasyon.

Ikinagalak naman ng PNP ang mapayapang pagsalubong sa bagong taon at walang malaking insidente na nakapinsala ng marami nating kababayan.