Israeli Minister of Foreign Affairs Eli Cohen, dumating na sa Pilipinas at makikipagpulong kay PBBM
loops: Israeli Minister of Foreign Affairs Eli Cohen / PBBM / DFA Sec. Enrique Manalo / NEDA Chief Arsenio Balisacan / Ph economy
Dumating na sa Pilipinas si Israeli Minister of Foreign Affairs Eli Cohen upang simulan ang isang dalawang araw na pagbisita na nakatakdang patatagin ang mas matibay na ugnayan sa pagitan ng Israel at Pilipinas sa larangan ng agrikultura, teknolohiya, at ekonomiya.
Kasama ni Cohen ang isang delegasyon ng negosyo na makikipagpulong sa mga Pilipinong business representatives upang palawakin ang pakikipagtulungan sa kalakalan at pang-ekonomiya.
Ang Israeli top diplomat ay inaasahang magsasagawa ng bilateral talks kay Pang. Marcos, makipagpulong kay Department of Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at National Economic and Development Authority chief Arsenio Balisacan, pati na ang pagpiram ng mga kasunduan.
Gayundin, isasagawa ng opisyal ang mga pagpupulong sa publiko at pribadong sektor ng ating bansa.
Nilagdaan ng dalawang bansa ang Treaty of Friendship noong February 26, 1958, na nagtatag ng kanilang buong diplomatikong ugnayan.
Ang kasunduang ito ay nagmula noong 1930s na “Open Door” na patakaran ng yumaong Pangulong Manuel L. Quezon, na nagligtas sa buhay ng 1,300 Jewish refugees.
Una nang sinabi ni Israeli Ambassador Ilan Fluss, ang paglalakbay ni Cohen sa bansa ay katumbas ng pagbisita ni dating pangulong Rodrigo Duterte sa Jerusalem noong 2018, na naging daan para sa pagbubukas ng mga tanggapan ng Israeli Defense at Economic Attaché sa Maynila, paglagda ng mga bilateral na kasunduan sa Overseas Filipino Workers, at pagpapalawak ng depensa ng parehong dalawang naturang bansa.