-- Advertisements --
Pinaghahandaan ng rin ng Israel ang maaring pagganti ng Iran matapos na mapatay nila ang senior general ng Islamic Revolutionary Guard Corps sa Syria.
Si Sayyed Razi Mousavi ay kasamang nasawi ng tamaan ng missile ng Israel ang gusali kung saan ito tumitira.
Ang nasabing opisyal ay siyang namumuno sa grupo sa Israel.
Dahil sa insidente ay nagbanta si Iranian President Ebrahim Raisi na dapat managot ang Israel dahil sa ginawang missile attack.