-- Advertisements --
Nakubkob ng Israel Defense Forces ang tunnel sa Kahn Younis city na matatagpuan sa southern Gaza.
Ang nasabing tunnel ay doon dinala ng mga Hamas militants ang 20 bihag nila.
May haba ito na 830 metro at lalim na 66 talampakan.
Napuno ito ng mga patibong at mga bomba kung saan nakasagupa nila ang ilang mga Hamas militants bago nila mapasok ang lugar.
Nakakita rin ang mga sundalo ng Israel ng mga bakas na nagpapatunay na doon dinala ang mga bihag.










