-- Advertisements --

Ibinunyag ng Israel Defense Forces (IDF) na kanilang nakubkob ang tunnel na matatagpuan sa mosque ng Khan Younis sa Gaza.

Naglabas ng video ang Israel kung saan makikita ang nasirang mga bahagi ng mosque na ang pasukan nito ay isang maliit na kuwarto.

Bukod pa sa nasabing mosque ay mayroong isang tunnel ang kanilang natagpuan malapit sa Rantisi Hospital sa Gaza.

Mula aniya ng magsimula ang labanan noong Oktubre 7 ay mayroong mahigit 500 na mga sundalo ng Israel na ang nasawi.

Mayroon namang mahigit 900 na sundalo ang nasugatan dahil sa patuloy na kaguluhan.