-- Advertisements --
Matagumpay ang ginawang pagharang ng Israel ang rockets mula sa Lebanon.
Ayon sa Israel Defense Forces (IDF) na agad na naharang ng kanilang Iron Dome ang nasabing rocket mula sa Lebanon.
Ang nasabing paglunsad ay nagdulot ng pagtunog ng sirena sa northern Israel at ito ay narinig mula sa border ng Lebanon.
Kinumpirma ni United Nations Interim Force In Lebanon (UNIFIL) spokesperson, Andrea Tenenti, ang paglipad ng rocket mula sa Lebanon na sinundan ng rocket na tila pagganti ng Israel.
Magugunitang ikinababahala ng United Nations at ilang bansa ang spillover ng kaguluhan sa pagitan ng Israel at Hamas.