-- Advertisements --

Naglunsad ang Israel ng malawakang military operation laban sa Palestinian militants sa Jenin refugee camp sa West Bank.

Unang umatake ang drone ng Israel hanggang nagpadala sila ng ground forces na nagdulot ng labanan sa kalsada.

Nasa walong Palestinian ang nasawi at mahigit 50 ang sugatan.

Paliwanag ng Israel forces na target lamang nila sa operasyon ay ang mga armadong Palestinian.

Ang Jenin refugee camp ay tirahan ng nasa 14,000 na katao na may lawak na 0.42 square kilometers.

Isinagawa lamang ang operasyon matapos na makatanggap na impormasyon na nagiging pugad na ito ng terorismo.