-- Advertisements --

Sa unang pagkakataon ay inilabas ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang tunay na bilang ng mga bihag na hawak pa rin ng mga Hamas militants.

Mula aniya noong Oktubre 7 ng nakaraang taon ay mayroong kabuuang 253 katao ang binihag ng mga Hamas miltants.

Sa ilang mga pagkakataon na nagkaroon ng pagpapalaya sa mga bihag ay kasalukuyang mayroong 132 ang hawak pa rin ng mga Hamas.

Sa nasabing bilang ay naniniwala ang mga Israel Defense Forces na 105 sa kanila ang buhay pa at 27 na ang patay na.